April 19, 2024

Koreanobela

Nag-uusap sina Pangulong Duterte at Sen. Bong Go

Sen. Go: ” Mr. President, totoo po ba ang nabalitaan ko na nahuhumaling na rin po kayo sa panonood ng ‘Koreanobela’?

Pres. Du30: ” Naku, false alarm ‘yan Bong. Teka, anong oras na ba?

Sen. Go: ” Mag-aalas-kuwatro na po ng hapon. Bakit po, magpapatawag po ba tayo ng Press briefing?”

Pres. Du30: ” Ganun ba? Pakibuksan nga ang T.V. Sa Kapuso.

Sen. Go: ” Manonood po kayo ng 24 Oras? Mamaya pa po yun, mga pasado alas sais.

Pres. Du30: ” Malantaw ako ng ‘ Secret Garden’, panonoorin ko si Hyun Bin saka si Han Ji-Won. Cute man sila nga duwa. Go ahead!

oOo

MAY LAHING BRITISH

Isang 8-anyos na batang Badjao ang nag-courtesy call kay Pangulong Duterte sa Malakanyang dahil sa pagkakaligtas nito sa 8 katao sa lumubog na bangka; sa kasagsagan ng bagyong Butchoy. Bibigyan ng parangal ang bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng iskolarship at halagang Pph100,000.

Pres.Duterte: ” Ah… Bong, sabi-sabi sa kanila, may lahing British ang bata.’ Natingala ko, ‘e Badjao man na siya. Tood na?

Sen Go. ” Yes, Mr. President. Actually, bukod sa mahusay lumangoy, slang din siyang magsalita.

Pres. Du30: ” Subukan nga natin, aber. ( Tinawag ang bata).

Bata: ” Yes, Your Highness. Is there anything I can do? Go ahead your Highness! ( snappy slang voice).

Pres. ” Grabe, Bong,ala Shakespeare pala ito!