April 25, 2024

Konsehal Alex Mangasar namahagi ng tubig sa mga nasunugan

NAMAHAGI ng libre at malinis na inuming tubig si Konsehal Alexander Mangasar sa pakikipagtulungan ng Maynilad para sa mga biktima ng sunog sa Brgy. 118 sa Caloocan City.



Mismong si Konsehal Mangsar ang nagbitbit at nagpuno sa ilang galon ng tubig para sa 20 pamilya na nawalan ng tahanan dahil sa nangyaring sunog.

Matatandaan na sumiklab ang sunog noong Biyernes ng gabi na ikinasawi ng dalawa katao.