April 19, 2024

KOMPREHENSIBONG TULONG NG M- 24 SA MASA

NARITO ang tunay na tulong sa kapwa tao.

   Iyong taos- puso at walang halong pulitika.

    Di tulad ng ibang uri ng umaayuda na kailangang ipagsigawan sa sambayanan na tumutulong sila dahil palpak ang gobyerno.

   Iyong iba naman ay namimigay ng pagkain sa mahihirap upang manghikayat na sumapi sa kanilang radikal na kilusan na ang layunin ay ibagsak ang administrasyon.

  Meron namang sikat na gusto pang magpasikat  na ang front ay tumulong daw sa mahihirap.

   Iba ang M-24 Maharlika Builders of Guardiands Canada , USA Philippines.

  Ito ay samahan for a cause- in the spirit of brotherhood.

Binubuo ito ng mga propesyunal , negosyante, mapapalad na OFW’s, mga active at retired uniformed personnels, entrpreneurs, atleta, artists, entertainers, beauty advocates, civic leaders at media practitioners.

    Tampok sa kanilang layunin ang makatulong sa mga kababayan saan mang dako ng mundo at siyempre sa mga less- fortunates na kababayan dito sa Pilipinas lalo sa panahon ng krisis at kalamidad.

    Ito ay pinamumunuan ng subok na civic oriented leader na si Founder/ Organizer Doc Chito Collantes  M241024 kaagapay ang MUG sa Maynila sa pamumuno ni national chair Alex Quillope.

   Si Bro Doc Chito ay kaagapay sa adbokasiya sina Sis Lingling Adora, Bro Armand Quimirista ,Sis Lydia Quimirista, Sis Red Violet  ,Bro Ala Eh  Guardian , Sis Ivy Bianza, Sis Thelmo  sa Toronto.

   Abala naman sa ‘Pinas sina Sis  Janice Ronquillo, Bro Jeric Quimirista , Bro Jay-Ar Quimirista, Bros Arvin, Ariel , Randy, Supremo Elias Diaz at iba pa.

  Sa buwang ito ng Mayo ay kasado na ang proyekto ng M-24 na ‘Feed the Elderly’ sa Laguna at lalawig pa ito sa iba’t-ibang panig ng kapuluan at sa ibang proyektong katuwang ang bagong M- 24 former beauty queen Lot Tollico.

  Habang sina David, Manas at Randy ay abala naman sa kanilang ‘feeding program’ sa mga komunidad sa timon ni Doc Chito.

  Marami pang proyektong nakahanay para sa masa .Ito ay walang hinihintay na kapalit, taos sa puso at bilang balik sa tao sa kanilang biyayang kaloob ng Maykapal. Bayanihan, Brotherhood, Guardians’ spirit. MABUHAY ANG KAPATIRAN! Lowcut: “WELCOME to M24 “Builders of Guardians” Maharlika Canada-USA-Manila Sis Jolie Jing (JULIET CUSTODIO) of Zamboanga City- graduate of BS in Business Administration Major in Human Resource Management Development. She is also currently  the President of Tiger Ladies Association who helps people with kidney problems. Sis Jolie Jing is our new honorary member from now. She is a friend and familiar with the Guardians Brotherhood.Let us all welcome Sis Jolie Jing! “,Bro Dr CHITO COLLANTES-M-24 Founder/Organizer M24B1024.Congrats sa mga bagong markadong M-24 na sina Bros.Jesse Pavia, Danny Cruz,Rolen dela Guizon at Rod Paccarangan na inasistihan nina Bros Randy Meses, Arvin David at Ariel Manas.Mabuhay!