April 18, 2024

KNICKS, BINASAG ANG PACERS, CAVALIERS, NILAPA NG GRIZZLIES

Binasag ng New York Knicks ang Indiana Pacers sa isang impressive win, 104-94. Malaki ang naitalang 62 points combination nina RJ Barrett at Julius Randle sa panalo.


Nagtala si Barrett ng 32 points, 8 boards at 3 assists. Habang si Randle naman ay bumuslo ng 30 points, 16 boards at 4 assists.
Itinala naman ng Memphis Grizzlies ang 6th straight sa paglapa sa Cleveland Cavaliers, 110-106. Nanguna si Jah Morant sa panalo sa paglista ng 26 points, 5 boards at 6 assists.


Niluray naman ng Toronto Raptors ang San Antonio Spurs sa isang blow-out-win, 129-104. Bumida si Fred VanVLeet sa Raptors sa pagtipa ng 33 points at 7 assists. Tumulong naman si Pascal Siakam sa pagbira ng 18 points at 12 rebounds.