April 23, 2024

KingWhale Taipei, nilamon ang Black Mamba Army

Impresibo ang pagpalo ng foreign team KingWhale Taipei sa kanilang PVL debut. Nilamon nito sa 3 sets ang Black Mamba Army, 26-24, 25-18, 26-24 sa 2022 Invitational Conference semifinals sa MOA Arena. Nanguna sa panalo si team captain at player of the game Liao Yi-jen. Nagtala ito ng 22 excellent sets.

PVL photo

Bumida rin si Brazilian Beatriz Flavio de Carvalho na nagtala ng 14 points of 13 attacks. Habang si Chen Li-jun at Wang Yu-wen ay nag-ambag ng 10-points. Dinomina rin ng KingWhale ang Army sa lahat ng aspekto. Nagdomina ito sa 47-30 attacks, 22-12 sa setting. Gayundin ang 78-50 digs at 30-26 receptions.

Wala namang naitalang panalo ang Lady Troopers at nagtapos sa fifth place ng torneo.