April 20, 2024

KIM CHIU, NANGHIHIRAM NG P80-MILYON KAY AMY PEREZ

Halos maloka si Amy Perez nang sabihin ni Kim Chiu na manghihiram ito sa kanya ng P80-milyon. Nangyari ito nang tawagan ng huli si Tyang Amy tungkol raw sa problema ni Kim.

May kinalaman aniya ito sa atraso sa Immigration at BIR. Ayon pa kay Kim, sinulatan siya umano ng ahensiya. Binigyan ng palugit na 14 days. Kung hindi niya maibibigay ang requirement yari siya.

Kaya, kailangan niyang mabuo ang pera.

Sinabi ni Amy sa programang ‘It’s Showtime’ na may kilala siyang lawyer. Kapitbahay lang nila ito kaya pwedeng ilapit ang problema.

Biglang kumamig si Kim na manghihiram ito ng P80-milyon sa host.

Hala, saan naman ako kukuha ng ganubng kalaking pera, Kimmy? Kahit isangla ko katawan ko, walang kukuha,” litanya ni Amy. Sa bandang huli, nalaman na isa lang pala iyong prank ni Kim.