April 19, 2024

Kevin Durant, mapupunta sa Boston kung iti-trade ng team si Marcus Smart

Maaaring mapunta si Kevin Durant sa Boston Celtics kung masusunod ang nais nilang trade deal. Nais ng Brooklyn Nets na makuha si Marcus Smart at 2 future drafts picks. Mas maigi kung may kasama itong ilang star players.

Tinabla ng Nets ang una ng inilatag ng Boston na i-trade si Jaylen Brown at Derrick White. Kasama na rin dito ang first-round pick. Mas mainam aniya kung kasama rin si Smart, o kahit ito na lang ang isama sa package. Sa gayun ay maikasa ang trade.

Nag-aalangan naman ang Celtics na i-trade si Smart dahil mahalaga ito sa kanilang line-up. Ayon sa basketball analysts, mapipingas ang core ng Nets. Lalo na’t may sitsit na balak lambatin ng Lakers si Kyrie Irving.