April 19, 2024

Kelot pinatay, GF ni-rape habang nagka-camping

Patay ang isang 21-anyos na lalaki habang sugatan at ginahasa naman ang kanyang 17-anyos na girlfriend habang nagka-camping sa Boac, Marinduque.

Naganap ang karumal-dumal na krimen dakong alas-2:00 ng madaling araw noong Biyernes.

Ayon sa salaysay ng biktimang babae, biglang pinasok ng salarilin ang kanilang tent at sinaksak ang kanyang nobyo.

Sinubukan niyang tumakbo papalayo pero hinabol siya ng suspek at inabutan.

Sinugatan umano siya sa leeg ng salarin at halinhingang ginahasa.

Pagkatapos makaraos, tinangay ng suspek  ang cellphone at pera ng mga biktima.

Nakahingi naman ng tulong ang biktima sa napadaang delivery rider na nagdala sa kaniya sa ospital at nagreport sa pulisya.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya at pagtugis sa salarin na nakatakas.