April 25, 2024

KAMBOSOS, MARAMING NATUTUNAN SA PAKIKIPAG-SPAR KAY PACQUIAO

Pinapurihan ni undefeated Australian lightweight boxer George Kambosos Jr. si Manny Pacquiao. Aniya, may natutunan siya nang maging sparring partner niya ang Filipino boxing icon.

Manny Pacquiao is a legend of the sport,” ani Kambosos.

Nakatakdang sumagupa si Kambosos kay Teofimo Lopez. Kung saan, si Lpez ang mya hawak ng unified WBA, IBF at WBO title belts.

“To do 250 rounds with him – over three world title campaigns – it got me to that point where I know what I have to do for my world title fight and here we are.”

Tangan ni Kambosos ang 19-0 record at 10 rito ay knockouts. Markado itong sparring partner ni Pacquiao noon pang 2017.

Lalo na nang lumaban ang huli kay Aussie Jeff Horn sa ‘Battle of Brisbane’. Para sa kanya, isang magandang pagkakataon na may matutunan sa eight-world division boxing champion.

Na kung saan ay magagamit niya sa kanyang susunod na mga laban.