March 29, 2024

JR SMITH, MADADAGDAG SA LOS ANGELES LAKERS

Sa layuning mapagharian pa ng husto ang Western Conference sa NBA, balak ng Los Angeles Lakers na idagdag sa kanilang line-up ang veteran guard na si JR Smith.

Ang plano na ito ng Lakers ay inihayag ni Adrian Wojnarowski ng ESPN. Katunayan, nakikipagnegosasyon na ang Lakers kay Smith, sapol na ang kanilang guard na si Avery Bradley ay tinabla ang season restart.

Ani pa ni Wojnarowski, nasa final stages na umano ng contract negotiations ang team ni LeBron James, upang makuha ang dating kakamping shooting guard sa Cleveland Cavaliers.

Free agent guard J.R. Smith and the Lakers are working though final steps of a deal today and he will be added to roster for Orlando restart  sources tell ESPN,” pahayag ni Adrian Wojnarowski

Matagal na natengga sa paglalaro ang 34-anyos na si Smith, sapol ang matalo ang Cavaliers sa Detroit Pistons 113-102 noong Nobyembre 2019.

Nitong nakaraang Marso, nag worked out sa Lakers si Smith sa layun ng team na magdagdag ng player. Gayunman, mas interesado ang Lakers na lambatin si Dion Waiters mula sa Miami Heat kaysa sa kanya.

Subalit, ngayon, nag-iba na ang ihip ng hangin at kay Smith na naging interesado ang Lakers, na naghahangad ng kampeonato sa NBA. Huling nagkampeon ang Lakers noong 2010 NBA Finals kontra Boston Celtics.