April 18, 2024

JESSICA SOHO, BIASED DAW KAYA DI PINAUNLAKAN NI BBM SA PRES. INTERVIEWS

Sumalang sa panayam ni anchor Jessica Soho ang mga presidentiable aspirants. Ito ay magiging materyales sa top rated magazine show na KMJS tuwing linggo. Na ang episode ay pinamagatang” ‘JS Presidential Interviews’.


Kapansin-pansin na hindi sumalang sa talakayan si Bongbong Marcos. Ayon sa kampo ni BBM, kaya di ito nagpaunlak ay dahil biased umano si Jessica. Sa official statement ni Atty. Victor Rodriguez, spokesman ni BBM, tama lang na di magpaunlak si Bongbong.


” Kuwan kasi, biased yun laban sa mga Marcos. Maaaring ang mga itatanong kay BBM ay tutuon lamang sa negatibong impormasyon laban kay BBM,”ani Rodriguez.

Sumagot naman ang GMA Network sa pahayag ng kampo ni Bongbong.

Throughout her career, Ms. Soho has consistently been named the most trusted media personality in the Philippines by both local and foreign organizations.” A testament to her embodying the GMA News and Public Affairs ethos: “Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang.”

Ayon pa sa network, tinanong ni Soho ang mga presidentiables ng buong katapangan. Kabilang na ang intention sa pagtakbo, ibabatong kontrobersiya. Gayundin ang paninindigan sa mga isyu at ang mga konkretong plano kapag naupo sa puwesto.


Sinabi rin ng GMA Network na matapang na tinanong ni Soho ang mga lumahok na presidential aspirants tungkol sa kanilang intensyon sa pagtakbo, kontrobersiyang ibinabato sa kanila, kanilang paninindigan sa mga isyu at kanilang mga konkretong plano kung sakaling manalo.