April 25, 2024

JAYKE YOSON, SINISIRAAN NG KAKAMBAL NI JINKEE” DI PO AKO ANG BAGMAN NI SEN. PACQUIAO, KUNDI ANG MISTER NIYA”

Isiniwalat ni Jayke Yoson na kabilang sa kampo ni Sen.Pacquiao na sinisiraan siya ng isa sa kapamilya ng senador. Aniya, binabanatan siya ng kakambal ni Jinkee Pacquiao.


Ibinulalas niya ito nang maging panauhin sa ‘Take It Per Minute’. Si Jayke ay kaibigan ng ‘Fighting Senator’. Long-time friend ito ni Pacquiao sa loob ng 17 taon.


Na inuupakan siya ng twin sister ni Jinkee na si Janet sa social media.


Inaakusahan siya nito na ‘bagman’ umano ng senador. Pero, sinabi ni Jake na ang mister ni Janet ang talagang bagman. Na ito ay si Stebe ‘ Tibo’ Jumalon na dating PBB housemate.


“Masakit po sa kalooban ko yung magsalita ng katotohanan laban kay Senator Pacquiao. mahal ko po yun he. Para ko pong kapatid,” ani Jayke.