April 18, 2024

JANINE GUTIERREZ, NA-INSECURE KAYA NAGPAKAWALA NANG BANAT?

Usap-usapan sa canteen ng GMA-7, kaya raw nagpakawala nang banat itong si Janine Gutierrez ay mukhang na insecure ito kay Bong Revilla Jr.

Kalat na kasi na magkakaroon ng teleserye ang senador. Kaya siguro nagpakawala itong si Janine ng sarili niyang opinion.

Pero sa puntong iyon ay mas mukhang pinili ng Kapuso Network ang may napatunayan na. Kaysa sa gumagawa palang ng pangalan sa mundo ng showbiz.

Pero may buwelta naman ang kampo ni Janine, ito nga ay lisanin ang GMA-7 at lumipat sa kalabang TV network.
Sinadya nga ba o nagkataon lang? Pero sa side naman ni Senator Bong Revilla, wala lang ang banat ni Janine Gutierrez sa kanya.

At kung magkakasama pa raw sila sa isang movie project ay hindi niya tatanggihan ang actress.Iyan daw ay kung mayroong offer.