April 19, 2024

JAJA SANTIAGO, HUMABOL SA PH VOLLEYBALL TRIP SA BRAZIL

May be an image of 8 people, people standing and indoor
Photo courtesy : Alyssa Valdez FB Page

Humabol si Jaja Santiago sa Philippine women’s volleyball team na tutungo sa Brazil. Ito ay bilang paghahanda ng team sa 31st SEA Games sa Vietnam sa Mayo. Sasalang ang volleybelles sa three-week training camp.


Timing ang paghabol ni Jaja na hinirang na Japan V. League ‘Best Blocker’. Nangako itong lalaro sa team at iniwan muna ang paglalaro sa Ageo Medics.


Babandera sa women’s volleyball team ang ilan sa mahuhusay na volleybelles. Na pinili ng ikinamdang Brazilian coach mula sa iba’t-ibang teams.


Kabilang na rito sina Aby Maramo (team captain), Alyssa Valdez, Dawn Macandili, Jema Galanza at Ces Molina. Gayundin sina Rhea Meneses, Kat Tolentino, Mylene Paat, Majoy Baron, Kyle Negrito at iba pa.