March 29, 2024

Ilang female basketballers, balik aksiyon sa bagong WNBA season

Seattle Storm basketballer Breanna Stewart ( Rob Carr/ Getty Image Sport)

Muling magbabalik ng WNBA season ngayong weekend sa Florida bubble. Masisilayan ding muli ang mga players na hindi nakapaglaro noong nakaraang season.

Kabilang sa magbabalik sa laro si rookie top pick Sabrina Ionescu. Gayundin din si 2018 league MVP Breanna Stewart ng Seattle Storm. Hindi nakalaro si Stewart noong nakaraang season dahil sa torn Achilles.

Balik laro rin ang kakampi ni Stewart na si Sue Bird na sumailalim sa knee surgery noong nakaraang taon.

If you look at last year, a lot of people were not playing and the fact is we’re all able to be back,” wika Stewart.

“All feeling at our best and continuing to bring the spotlight to the WNBA,” aniya.

Excited din sa WNBA season si nine-time All-Star Diana Taurasi ng Phoenix Mercury na naglaro lalang ng 6 games noong last season. Nagkaroon kasi ito ng  back at hamstring injuries.

Balik aksyon din si Mercury guard Skylar Diggins-Smith. Si Smith ay nahablot ng Phoenix mula sa Dallas Wings via trade.