April 25, 2024

MGA GUMAGAWA NG KANDILA, DOBLE-KAYOD NA PARA SA NALALAPIT NA UNDAS

Nagdesenyo ang isang candle maker ng bagong gawang kandila sa isang factory sa Caloocan City bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Undas.

Isa sa tinatangkilik ng mga Pinoy ang kandila tuwing sasapit ang nasabing okasyon para alalahanin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay.