April 25, 2024

54 PULIS HULI SA ‘OPLAN SITA’ NG NCRPO

Tiniyak ng National Capital Region Police Office NCRPO na patuloy nilang pagbubutihin ang sistema ng organisasyon upang protektahan at mapaglingkuran ng maayos ang publiko.

Ayon kay NCRPO Chief PBGen. Jonnel Estomo mas paiigtingin pa ang pagpapatupad ng internal cleansing program ng PNP ng walang pinapaburan sinuman ang masasangkot na pulis sa illegal na gawain.

Ang pahayag ni Estomo kasunod ng isinagawang oplan sita sa mga kapwa pulis na lumalabag sa batas trapiko kung saan umabot sa kabuuang 54 na tauhan ng PNP ang naisyuhan ng citation ticket.

Isinagawa ang operasyon sa loob ng kampo kasama ang Regional Highway Patrol Unit-NCR at iba pang unit kasama ang Taguig City Police kung saan sila nakatutok sa pagpapatupad ng Camp Rules and Regulation at ng RA 4136 sa Camp Bagong Diwa New Gate sa Bicutan, Taguig City.