April 19, 2024

Kapatid ng napaslang na broadcaster na si Percy Lapid sumama sa crime scene walkthrough

NAGSAGAWA ng crime scene walkthrough ang SITG Percy Lapid kasama ang sumukong  suspek  na si Joel Escorial kung saan itinuro niya ang lugar kung saan nila sinubaybayan ng ilang araw bago nila tinambangan at pinagbabaril ang beteranong broadcaster na si Percival Mabasa o mas kilala bilang Percy Lapid bago pumasok sa gate ng Sta. Cecilia Village sa Talon Dos, Las Piñas City na tugma naman sa salaysay ng suspek at kuha sa CCTV. Sumama naman ang kapatid niyang Journalist na si Roy Mabasa sa isinagawang walkthrough ng mga awtoridad. (DANNY ECITO)