April 23, 2024

MAYWEATHER- PACQUIAO REMATCH TULOY SA TAMANG PANAHON?

NAGULAT ang mga sports kibitzers sa Saitama, Japan sa sorpresang pagdating ni world boxing icon Manny Pacquiao ng Pilipinas upang saksihan ang nakatakdang laban ng isa pang dakilang boksingero sa mundong si Floyd Mayweather, Jr. ng Estados Unidos.

Ang binansagang ‘Money’ na si Mayweather  na retirado na sa professional boxing  na may imakuladang 50-0 kabilang na ang kontrobersyal na unanimous decision win nito sa tinaguriang ‘Pacman’  sa mundo ng prizefighting ay nakipagbangasan kontra sikat  na Japanese mixed martial artist na si Mikuni Asakura na agad na pinabagsak ng una sa loob lang ng dalawang rounds kaakibat ng malaking paycheck saksi si  Pacman na nasa ringside  bilang spectator.

Dahil sa presensiya ng retiradong 8- world division champion na si Pacquiao ay lumawig ang ekspekulasyong  may nilulutong rematch sa dalawang buhay na alamat sa mundo ng boxing.

Ang tanyag na Pambansang Kamao tulad ni ‘Moneyman ay may nakatakda ring makipag- bakbakan kontra inireretong  mixed martial artist international titlist bago ikasa ang Mayweather- Pacquiao 2 na inaabangan ng boxing afficionados, ‘if the prize is right’ at sa tamang panahon.