April 25, 2024

HIPAG AT 3 PAMANGKIN NI HOUSTON ROCKETS FORWARD DANUEL HOUSE, NASAWI SA CAR ACCIDENT

Nagdadalamhati ngayon si Houston Rockets forward Danuel House Jr. dahil sa pagkamatay ng kanyang 4 na mahala sa buhay. Nasawi kasi ang mga ito sa isang tragic car accident.

Ang may kagagawan nito ay isang iresponsableng driver na nakainom. Kasama sa nasawi ay ang kanyang hipag at mga pamangkin.

Ang kanyang hipag ay si Porcha Branch, misis ng kanyang kapatid na si Damien. Ang mga biktima naman na kasama niya sa aksidente may si Drake, 7 months-old.

Gayundin si Messiah, 2-anyos at si King, 5-anyos. Ayon sa ulat  ni Cory McCord ng KHOU, pauwi na noon ang mag-iina. Binangga sila ang sinasakyan nila ng isa pang vehicle sa likuran.

Kaugnay nagpost si House ng 4 emojis sa Twitter bilang pakikisimpatiya.

 “She’s the love of my life and it’s just hard for me to see my wife and three of our kids gone,” ani House.

“I thought it would get easier, but it just seems to get harder and harder each day.”

Paglalahad pa ni House, hindi siya makapaniwala sa nangyari. Masakit din sa kalooban ng kanyang kapatid ang insidente.