April 19, 2024

HIGIT 13-M NA ANG INFECTED NG COVID SA BUONG MUNDO

UMABOT na sa 13,027,889 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa nasabing figure, 4,822,365 (99%) ang nasa mild condition at 58,925 (1%) naman ang nasa serious o critical condition.

Sa mga bansa naman, Estados Unidos pa rin ang may pinakamataas na COVID-19 cases.

Ang mga infected sa kanila ay pumapalo na ng 3,413,995, habang 137,782 naman ang mga nasawi.

Kabuuang 571,076 na ang naitalang pumanaw dahil sa deadly virus.

Habang ang mga naka-recover ay nasa 7,575,523 na, matapos ang gamutan at quarantine procedure.