April 25, 2024

Hidilyn Diaz, ikinasal na sa kanyang coach na si Julius Naranjo

(Photo Courtesy by Nice Print Photo Baguio City)

Nakipag-isang dibdib na si Hidilyn Diaz sa kanyang coach at fiance na si Julius Naranjo. Nangyari ito eksaktong isang taon matapos masungkit ang gold medal sa 2020 Tokyo Olympics. Malaki ang naging papel ni Naranjo bilang bahagi ng Team HD sa tagumpay ng Pinay weightlifter.

Eksaktong July 26, 2001 nasungkit ni Diaz ang gold medal at history ito sa Pilipinas. Ngayon, isang history muli ang nangyari, ang kanyang pagpapakasal. Kaya naman, memorable sa 31-anyos na Pinay ang okasyon.

Idinaos ang kanilang wedding ceremony sa Philippine Academy sa Baguio City.Naging engaged ang dalawa noong October 2021. Tampok ang mga high-profile persons sa kanyang naging principal sponsors; na mula sa mundo ng politika, showbiz, business tycoons at mga atleta.

Kabilang na rito si POC Chairman Bambol Tolentino, boxing icon Manny Pacquiao, Manny Pangilinan at Ramon Ang ng SMB. Kasama rin sa principal sponsors sina PBA Chairman Ricky Vargas, Judy Ann Santos, Vicki Bello, Bo Sanchez, Teresita Sy-Coson at dating VP Leni Robredo.

Binubuo naman nina Iza Calzado, Angel Locsin (maid of honor) ang mga abay na babae. Si journalist Atom Araullo naman ang isa sa mga abay na lalaki. Nasa okasyon din sina olympians Nesthy Petecio at Felix Eumir Marcial.