April 24, 2024

GOLDEN STATE WARRIORS, TINAGA ANG TIMBERWOLVES

Nakabalikwas ang Golden State Warriors mula sa 19-point first half deficit.Dahilan upang magawa nitong tagain ang Philadelphia 76ers sa iskor na 116-96.  Bumida si Stephen Curry sa Warriors sa pagbira ng double-double stats.

Gumawa ang binansagang ‘The Chef’ ng 25 points,10 assists ar 4 boards. Nag-ambag naman si Andrew Wiggins ng 19 points at 6 boards. Habang si Jordan Poole naman ay kumana ng 17 points at 6 assists.

Sa panig naman ng 76ers, gumawa si Seth Curry ng 24 points. Umalalaya naman si Danny Green ng 10 points, 4 assists at 2 boards.

Samantala, sa iba pang laro, nilapa ng Minnesota Timberwolves ang Miami Heat, 113-101. Nanguna si Anthony Edwards sa Wolves sa pagtipa ng 33 points at 14 boards. Habang si Karl Anthony Towns naman ay lumagare ng 11 points.

Bumira naman si Bam Adebayo sa Heat ng 18 points at 5 boards.