April 24, 2024

Gilas Pilipinas naka-resbak vs Indonesia, haharapin ang Cambodia para sa ginto

DALAWANG dikit na tres at isang give and go play ni Justine Brownlee ang naging susi ng pahirapang panalo ng Gilas Pilipinas upang makaresbak kontra Indonesia,84-76 sa kanilang semifinal match sa men’s basketball ng 32nd Southeast Asian Games Cambodia 2023 sa Merodok Techo Elephant Hall 2 sa Phnom Penh.

Dikit ang laban simula unang yugto hanggang third quarter  kung saan ay laging abante ang defending champion Indonesia sa malakas na opensa ng tatlong naturalized players nito upang pahirapan nang husto ang Gilas Pilipinas.

Nanatili ang ningas ng laban nina Marcio Lassiter ,Chris Ross at Brandon Ganuelas Rosser sa opensa lakip ang malagkit na depensa ni Christian Standhardinger kay Indon bigman naturalzed Prosper upang manating nakabuntot ang Gilas hanggang sa pagputok nv tres ni Brownlee sa krusyal na endgame para maseguro ang panalo ng Pilipinas kontra umagaw sa kanila  ng gintong medalya noong nakaraang  Vietnam SEAGames.

Ang semis victory ng Pilipinas ay makakalaban ang naghihintay nang Cambodia na may 6 na naturalzed players na tumalo naman vs Thailand sa naunang semifinal match.  Nakatakda ngayon ang  gold medal match ng Gilas vs Cambodia sa mainit na venue ng host Phnom Penh.