April 20, 2024

GILAS PILIPINAS IBINAON ANG SINGAPORE PASOK SA SEMIS NG SEAG CAMBODIA BASKETBALL

GILAS PILIPINAS men’s team pasok sa semis.

IBINUHOS ng Gilas Pilipinas men’s basketball team ang ngitngit nito upang balatan ang Singapore,105-45 para  hablutin ang semifinals berth sa basketball event ng 32nd Southeast Asian Games Csmbodia 2023 sa Morodok Techno Elephant Hall2 sa Phnom Penh.

Kumamada si Marcio Lassiter ng 4-of- 7 shooting sa tres upang igiya ang Gilas sa 2-1 ng  group A para mapitas ang tiket sa semifinals kung saan ay nangunguna ang tumalo sa

Tumikada si CJ Perez ng 13 puntos at 11 rebounds habang si Justin Brownlee ay nag-ambag ng 12 puntos at 9 na rebounds.

 Haharapin ng Gilas ang top team ng Group B na posibleng Thailand o defending champion na Indonesia( parehong 2-0 at nakatakdang baghsrap ngayong hapon sa Elephsnt Hall 2.

 “This is basically our final practice for the semifinal game,” wika ni national coach Chot Reyes.”We can’t really go hsrd to practice.We wanted to  already hurdle some of the things that we might need against whoever our opponent is.”

Pumoste ang Gilas Pilipinas ng maagang 29-5 bentahe sa unang yugto at lumobo pa ang kalamangan sa 63.                                         Tinambakan  din ng Gilas Pilipinas women’s team ang Vietnam 116- 58 upang manatiling buhay ang kanilang pag-asa ng podium finish.