April 20, 2024

FPJ’S ANG PROBINSYANO, HANGGANG JULY 29 NA LANG

Huling eere ang FPJ’s Ang Probinsyano sa July 29 ayon sa mapagkakatiwalang source. Ganito rin ang pahayag ni showbiz veteran columnist Tita Cristy Fermin. Siyempre, yung source natin, galing din sa source ni Tita Cristy. Wala na raw extension pa at talagang magwawakas na ang kuwento.

Halos 7 years ding namapayagpag at pinanood ang palabas. Na talaga namang maganda kung tutuusin. Ilang mga bigating artista na rin ang naging bahagi nito. Dito rin nahasa ang pagiging action star ni Coco Martin.

Ilang palabas at programa na rin ang itinapat sa Probinsyano. Subalit, hindi umubra at hindi naipagpag. Ibang klase kasi ang pagkakagawa at ang kalidad. Talagang hinuhusayan at ginagastusan. Kaya lang, may nagbibiro dahil hindi raw mamatay-matay si Ricardo Dalisay. Ganun talaga ang Pinoy recipe, hindi namamatay basta ang bida.

Papalit sa nasabing programa ang ‘Darna’ na pinagbibidahan ni Jane De Leon. Iniiwas raw ng kinauukulan na iere ang Darna sa Agosto. Sa gayun ay makaiwas raw ito sa ghost month.