April 23, 2024

FIRST AID AND BASIC LIFE SUPPORT HANDOG NI KONSEHAL PJ MALONZO

Naghandog si Konsehal PJ Malonzo ng First Aid and Basic Life Support para sa mga kabataan ng Caloocan.

Naisakatuparan ng naturang konsehal ang nasabing training sa tulong ni Congressman Egay Erice at ng Solems Academy.

“Tayo po ay nakapag handog ng kaalaman at kakayanan na magagamit in case of emergency and accident,” ayon kay Malonzo.

“Dapat tayo ay laging handa,” dagdag pa niya.