April 19, 2024

‘Fantastic 4’ ng Boston Celtics, mabubuo sa isang ikinakasang trade

Magiging super team na rin ang Boston Celtics lalo na sa Eastern Conference kapag naikasa ang mega-trade.Kapag nagkataon, mabubuo ang ‘Fantastic 4’ nito.

Ayon sa source, nais ni Danny Ainge, na maikasa ito. Ang napipisil na team sa trade deal ay ang Minnesota Timberwolves.

Target aniya ng Celtics sina Karl Anthony Towns at D’ Angelo Russell. Sa gayun ay itatambal ito kina Jason Tatum at Jaylen Brown.

Ang magiging kapalit, si Kemba Walker, Marcus Smart at Robert Williams.

Gayundin si Payton Pritchard, Aaron Nesmith, Grant Williams at 2021 first-round pick. Kasama rin ang 2021 secound-round draft pick sa Oklahoma City Thunder.

Pati na arin ang 2023 secound-round pick sa Dallas, Miami o sa Houston.