March 28, 2024

EX-PULIS, UTAS SA AMBUSH

Nangalap ng ilang ebidensiya ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng Eastern Police District sa pinangyarihan ng krimen matapos mautas sa ambush ang isang retiradong Makati police na kinilalang si Nomer Cardines na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa C5 bypass road sa Barangay. Olandes, Marikina City. (Kuha ni ART TORRES)

Patay matapos barilin ang isang retiradong pulis sa Marikina City kahapon ng umaga ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin.


Agad binawian ng buhay si Nomer Cardines, 46, dating pulis Makati, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Ayon sa police report, nakasakay si Cardines sa kanyang nakaparkeng sasakyan sa kahabaan ng Capt. Lorenzo street sa Barangay IVC nang lapitan siya ng mga suspek at pinalabas ang helper ng biktima sa sasakyan.

Dito na sinimulan ang pamamaril ng gunmen kay Cardines.

Tumakas ang mga suspek lulan ng kanilang getaway na sasakyan matapos ang pamamaril.

Natagpuan ng SOCO ang 18 basyo ng  bala ng isang M-16 at isang 9mm pistol sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ang motibo sa pananambang sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga pulis.