April 20, 2024

ERMAT NI KYLIE PADILLA NA SI LIEZEL, BINUWELTAHAN SI CRISTY FERMIN

Tinalakan ng ermat ni Kylie Padilla na si Liezl Sicangco ang showbiz columnist na si Cristy Fermin. Napuno na kasi ang nanay ng aktres dahil sa banat ni Fermin.


Tinuran kasi ng kolumnista na ginugutom umano ni Kylie si Aljur Abrenica. Ang aktres din daw ang unang nangaliwa at nagloko. Madalas din daw itong may kausap sa cellphone.


Sobra kana Cristy Fermin!!! Gawin kaya sayo yang pinaggagawa mo. Siraan ka nang hindi totoo, gusto mo?” ani Liezl sa Instagram post.


Walang kalaban laban ang mga taong sinisiraan mo. One sided ka!!! Di mo naman alam ang totoo at kung ano ang pinagdadaanan ng tao. Magbago kana bago kapa bawian ng buhay,” ani Kylie.


Naka-private ang Instagram account ni Leizl. Kaya ang mga followers lang ang nakabasa ng kanyang IG post.