NASUNOG ang isang bahay sa 1883 Inocencio St., Tondo, Maynila na pagmamay-ari ng isang Rowena Consaga matapos umanong mag-overheat ang kanilang electric fan.
Sa report ng Bureau of Fire Protection Manila, nagsimula ang apoy alas-12:50 ng tanghali sa ikalawang palapag ng tatlong-storey residential structure ng pamilya Consaga na umabot sa unang at dineklarang fire out ala-1:10 ngayong hapon.
Ayon kay Arson Investigator FO2 Axle John Ramos, nag-overheat ang bentilador o electric fan sa bahay ng pamilya Consaga ang dahilan ng sunog.
Wala namang namatay o nasugatan sa nabanggit na insidente.
More Stories
VICE GANDA NAPATAWAD NA NGA BA NI JESSICA SOHO?
Dinaig ang mga sikat na aktres… JILLIAN WARD, MALAKAS ANG HATAK SA MGA FANS
Mga fans nagalit… SOLO ENTRANCE NI KARYLLE NILIGWAK SA ‘IT’S SHOWTIME’ GMA-7 CONTRACT SIGNING