April 18, 2024

EJ Obiena, ido-donate ang P250K incentive sa pagpapagamot kay Lydia De Vega

Nagpledge si EJ Obiena na ido-donate kay Filipina track legend Lydia De Vega ang matanggap na incentives mula sa PSC. Ito ay bilang pagtulong sa pagpapagamot kay ‘Diay’ sa iniindang breast cancer.

Nakatakdang tumanggap ang pole vaulter ng P250,000 sa PSC. Bunga ito ng kanyang pagwagi sa Asian record nang makasungkit ng bronze sa World Athletic Championships sa Oregon kamakailan.

Bukod sa kanya, nagsabi rin ang kanyang mga advisers na sina James at Carol Lafferty; na magbibigay ng donasyon. Sa kabuuan, ang kanyang team ay magdo-donate ng kabuuang P500,000.

 “I just learned of the plans of PSC to reward me with P250,000 incentive for breaking the Asian record. This is deeply appreciated, and certainly needed since my funding is still yet to be sorted, despite the mediation agreement,” ani Obiena.

“However, it occurred to me that despite my own training needs, Mam Lydia needs this money more than I do,” ani Obiena sa kanyang Facebook account.