April 25, 2024

ECQ SA LAGUNA EXTENDED HANGGANG AUG. 20

Kuha mula sa PNA

Mananatili sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang probinsya ng Laguna hanggang sa Agosto 20, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.

Magugunita na hanggang sa Agosto 15 lang sana ang ECQ sa Laguna, at ilalagay na sa modefied ECQ simula Agosto 16 hanggang 31.

“This latest ECQ re-classification was made to maximize its effects, slow down the surge of COVID-19 cases, further stop the spread of variants and improve health system capacity to protect more lives in the aforesaid area,” ani Roque.

Magugunita na ang National Capital Region (NCR) ay nasa ilalim ng ECQ hanggang sa Agosto 20.

Sa ngayon, umakyat na sa 1,727,231 ang COVID-19 cases sa Pilipinas, kung saan 1,598,314 ang recovered, at 30,070 ang namatay.