April 18, 2024

Droga, baril nasamsam sa Pasig

ARESTADO ang tatlong katao sa magkakahiwalay na operasyon ng mga kapulisan sa Pasig City.

Ayon kay Police Major Darwin Guerrero, hepe ng  DDEU, DSOU, DIU ng EPD, nasakote sa Barangay Kalawaan si Arminda Sulayao, alyas ‘One Fourth,’ matapos mabilhan droga ng pulis na nagpanggap na buyer.


Bukod sa 3 piraso ng sachet ng shabu, nasamsam din sa suspek ang improvised shot gun, timbangan at P10,000.

Habang sa Brgy. Rosario, nadakip din si Joey dela Cruz, matapos makipaghabulan sa mga operatiba ng DSOU, nakuha sa kanya ang isang Smith and Wesson caliber .38, at 15 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P102,000.

Samantalang sa Barangay Santolan, arestado rin si alyas Rigor na itinuturing na nasa number 6 sa drug watchlist ng pulisya matapos mabilhan ng ilegal na droga na nasa humigit-kumulang sa 10 gramo.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa illegal possession of firearms and ammunition, Section 5 at 11 ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at sa RA 11332.

(JO ALCANTARA)