March 28, 2024

DONAIRE, GABALLO; MAY RESPETO SA ISA’T-ISA, PERO IBA NA KAPAG NAGHARAP SA LONA

Kasado na ang sagupaan nina WBC bantamweight champ Nonito Donaire Jr at Pinoy pug Reymart Gaballo. Ang huli ay inilatag ng WBC na mandatory challenger sa title belt ni ‘The Filipino Flash’.
Gayunman, wala pang official date kung kailan magsasabong ang dalawa.

Ngunit, balak itong idaos sa December 11. Kaugnay sa laban ng dalawa, kapwa respeto ang pahayag nila sa isa’t isa. Na ikinatuwa ni Donaire.


Sa panig ni Gaballo, sabik na siyang makaharao ang kanyang idol na si Donaire.


I’m so happy and glad to fight my idol Nonito Donaire. So hopefully it will be a good fight,” ani Gaballo sa The Ring. Nasa Miami, Florida kasama ang trainer at coach na si Osmiri ” Moro’ Fernandez.

Ani Gaballo, nirerespeto niya si Donaire. Pero, iba na aniya ang usapan kapag nagharap na sila sa ring. Ganito rin ang saloobin ng ‘The Filipino Flash’.


I really respect the kid. He’s going to do his best… but I’m always going to be ready for it,” ani Donaire.