April 20, 2024

DEVIN BOOKER, KUMINANG SA PAGTUSTA NG SUNS SA JAZZ

Kuminang si Devin Booker sa pagtusta ng Phoenix Suns sa Utah Jazz, 105-97. Naglista ito ng 43 points, 12 boards at 4 assists. Nag-ambag naman si Chris Paul ng 21 points, 5 assists at 4 rebounds.


Sa panig naman ng Jazz, bumira si Jordan Clarkson ng 26 points, 5 boards at 3 assists. Bumuslo naman ng 41 points si Jah Morant sa paglapa ng Memphis Grizzlies sa San Antonio Spurs, 118-110.

Nagtala naman ng double-double si Nikola Jokic sa pagpunit ng Denver Nuggets sa Brooklyn Nets, 124-118. Kumana ang Serbian big man ng 26 points at 10 rebounds.