March 29, 2024

DENNIS TRILLO, NAINIS SA RESTO, FOOD NA INORDER PARA KAY JEN, MAY HALONG BUBOG

Nainis at dismayado si Dennis Trillo sa isang resto matapos ang epec ail na food delivery nito. Papaano ba naman kasi, may halong bubog raw ang pagkain na ibinili niya para kay Jennylyn Mercado.
“Nag order ako kagabi para kay Jen around 6pm, ito ang nangyare. Bakit may BUBOG sa pagkain niya????” ani Dennis.


Laking pasasalamat na lang ni Jen dahil di niya nalunok ang pagkain na may halong bubog.
Ipinost pa ng aktor sa kanyang IG account ang pagkainis. Pero, di na niya pinangalanan ng name ng resto.

Nireklamo niya ang natuklasang bubog, pero dedma lang siya. Hindi nagre-reply ang resto sa mga messages niya.