April 23, 2024

DEANNA WONG, IBANG LEVEL NA ANG KASIKATAN! SIYA NA NGA BA ANG BAGONG TOP BABY FACE NG VOLLEYBALL?

Ibang level na talaga si Deanna Wong ng Choco Mucho Flying Titans ng PVL. Kasi naman, sobrang sikat ngayon ang dating Ateneo lady Eagles volleybelle.

Katunayan, mahigit sa 1.3 milyon na ang ang followers niya sa Instagram at mahigit sa 600 thousand naman ang followers niya sa Twitter. Maging si Deanna ay hindi makapaniwala sa popularity na tinatamasa niya ngayon.

Bakit nga ba sikat na sikat ngayon si Deanna, na kilala rin sa tawag na The Boss? Ano nga ba ang meron sa kanya kung bakit lalong dumarami ang sumusunod at humahanga sa kanya?

Ang isa marahil sa nagustuhan ng mga tao kay Deanna ay ang pagkakaroon ng pusong matulungin sa kanyang mga kababayan sa Cebu. Noong ang lalawigan ay sinalanta ng bagyong Odette noong nakaraang taon, tumulong siya sa pagkalap ng mahigit sa 123 million pesos sa relief efforts para sa apektado ng nasabing bagyo.

Likas siyang mahiyain kaysa minsan nabibigyan ng iba ang kanyang ugali. Na kesyo siya ay suplada, maarte at di basta-basta malapitan. Pero, hindi ganun si Deanna. Ang tanong, siya na kaya ang top baby face ng volleyball? Na sumusunod sa yapak ng kasikatan nina Alyssa Valdez, Michelle Gumabao at Rachel Anne Daquis?