April 19, 2024

DATING WWE STAR RUSEV, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Pagkatapos tamaan ng Coronavirus ang kanyang mga magulang, panibagong dagok na naman ang kinakaharap ni WWE Diva Lana (CJ Perry sa tunay na buhay). Ito’y pagkatapos na magpositibo sa nasabing sakit ang kanyang mister na si dating WWE star Rusev.

Pinaalam ni Lana ang tungkol sa pagpositibo sa COVID-19 ng kanyang mister sa kanyang Twitter account.

“First my parents & now my husband @ToBeMiro has covid-19,” pahayag ng 37-anyos na tinagurian ding “The Ravishing Russian’.

Ipinaalam din niya sa kanyang Youtube channel ang update sa kalagayan ng kanyang mga magulang habang nakalagak sa ospital.

“So my mother is doing much better. They have had her off of the oxygen in the hospital for over 24 hours. Now that’s incredible.”

“They said that she’s not out of the woods though yet, so you know just keep her in your prayers and thoughts. She is doing much better, so thank you guys so much.”

Samantala, ipinaalam naman ng 35-anyos na si Rusev sa kanyang social media account ang tungkol sa pagsasailalim niya sa diagnosis.

 “I tested positive for Covid-19. Thank you for all the support,” pahayag ng tinaguriang ‘The Bulgarian Brute’

I will be okay and Miro Day will continue.”

Noong nakaraang Abril, kabilang si Rusev sa ilang mga WWE stars na tinapyas ng kompanya bilang bahagi ng cost-cutting dahil sa perwisyong dulot ng Coronavirus crisis.