April 19, 2024

DARNA MOVIE NI JANE DE LEON SHELVED NA

Iniwan na ng director, inabutan pa ng pandemya. Katakot-takot na problema ang inabot ng pelikula ni Jane de Leon na ‘Darna’. Ngayon naman ay tuluyan nang na-shelved ang nasabing pelikula.

Dahil halos magdadalawang taon nang sarado ang mga sinehan. Kaya malabo nang maipalabas kung matapos man ang pelikula.

Nauunawaan naman daw ni Jane ang mga pangyayari. Kaya okay lang sa kanya na ma-shelve ang kanyang ‘Darna Movie.’

Basta ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang health kondisyon nilang lahat. Ang priority kasi ay ang magandang kondisyon ng lahat.

Ang nakakalungkot lang, pati na rin ang kanyang career ay mukhang naapektuhan na.

“Kung tutuusin, halos lahat ng mga artista sa ngayon ay talagang pinagbawalang magtrabaho. Ito’y sa gawa nga ng pandemya.

“Pero umaasa pa rin si Jane na maibabalik din sa dati ang lagay ng Pilipinas,” chika ng aking source.