March 29, 2024

DALLAS MAVERICKS, SININTUNADO ANG UTAH JAZZ BAGO UTASIN

Sinintunado ng Dallas Mavericks ang Utah Jazz sa Game 5 ng NBA playoffs West Round 1. Kumbaga sa nagbi-videoke, sinintunado muna ng Mavs ang rito ng Jazz. Pagkatapos ay saka inutas dahil wala hulog ang himig nito.

Nanguna sa big win ng Dallas si Luka Doncic na bumira ng double-double. Nagtala ito ng 33 points, 13 boards at 5 assists. Umalalay naman si Jalen Brunson na gumawa ng 24 points at 5 rebounds. Nag-ambag naman si Dorian Finney Smith ng 13 points at 5 rebounds.

Sa panig naman ng Jazz, lumagare si Jordan Clarkson ng 20 points at 4 boards. Kumana si Rudy Gobert ng 17 points at 11 rebounds. Si Donovan Mitchell naman ay bumuslo ng 9 points at 2 rebounds.

Rumatsada agad ang Mavs sa unang kwarter at iniwanan ng Jazz ng 30 points. Sinubukang humabol ng Utah, pero nabigo. Ito ay dahil sa magandang opensa ng Dallas lalo na sa tres.