April 20, 2024

DALLAS MAVERICKS, PINATURIT ANG UTAH JAZZ SA GAME 6

Pinaturit ng Dallas Mavericks ang Utah Jazz sa isang intense game sa Game 6, 98-96 sa West Round 1. Bumida sa panalo ng Mavs si Luka Doncic na bumira ng 24 points, 9 boards at 8 assists. Umalalay naman si Jalen Brunson na may 24 points at 3 boards.

Nag-ambag naman si Dorian Finney-Smith ng 18 points at 10 rebounds. Sa panig naman ng Jazz, bumuslo si Donovan Mitchell ng 23 points, 9 assists at 8 boards. Habang tumipa naman si Bigdan Bogdanovic ng 19 points at 4 boards.

Dikit lang halos ang iskor sa 1st quarter. Ngunit, nakabalikwas ang Utah sa 12-2 run. Naitala rin nito ang 12 point lead sa 1st half. Subalit, nakahabol ang Dallas at lumamang pa ng 8 points sa 4th. Nahabol ito ng Utah, 88-88 pero, muling nakaungos ang Mavs. 91-88.

Pagsapit ng last 2 minutes, nakadikit ang Utah at may pag-asa sanang makatakas. Subalit, isang turnover ang ginawa ni Mike Conley. Sa huling 4.3 seconds, hindi naman naibuslo ni Bogdanovic ang libreng tres.