April 19, 2024

DALLAS MAVERICKS, NABAON SA 0-3 MATAPOS TAGAIN NG WARRIORS SA GAME 3

Walang nagawa ang Dallas Mavericks sa tapang ng Golden State Warriors. Katunayan, tinaga ng Warriors ang Mavs, 109-100 sa Game 3 ng Western Conference Finals. Kaya naman, komportableng lamang sa 3-0 series ang ‘Dub City’.

Naging bayani sa big win si Andrew Wiggins na bumira ng 27 points. Kasama na rito ang 11 rebounds. Pinigilan din nito ang ratsada ng opensa ni Luka Doncic ng Dallas.

Pumukol ng 31 points si Steph Curry at 19 points naman ang kinolekta ni Klat Thompson. Lumagare naman si Doncic ng 40 points sa Mavs. Dikit lang ang laban sa first half, 48-47.

Subalit, gumana ang opensa ng Warriors sa third quarter. Kung saan, 6 sa players nito ang nag-ambag ng produkyson sa scoring. Naitarak nila ang 30-21 burst dahilan upang lumamang ang Warriors ng double digit.

Sinubukang dumikit ng Dallas sa fourth quarter, 83-89, may 7:16 remaining sa game clock. Ngunit, di pumayag ang Golden State na masilat sila ng home team.