March 29, 2024

DALLAS MAVERICKS, ESPESYAL ANG PANALO SA WARRIORS SA GABI NG JERSEY RETIREMENT NI NOWITZKI

Hindi binigo ng Dallas Mavericks ang special night ng laro ng team kontra Golden State Warriors. Binarag ng Mavericks ang Warriors, 99-82 sa gabi ng jersey retirement ni Dirk Nowitzki.


Pormal na isinabit sa American Airline Center ang number 41 jersey ni Nowitzki. Na isa sa markado at pinakasikat na Mavs player na gumugol ng 21 season sa team. Ito’y mula taong 1998 hanggang 2019.


Bumida sa panalo ng Dallas si Luka Doncic na bumuslo ng 26 points, 8 ast at 7 boards. Nag-ambag naman si Dorian Finney-Smith ng 17 points at 9 boards. Kumana naman si Tim Hardaway Jr. ng 14 points at 3 boards.


Sa panig naman ng Warriors, nanguna si Andrew Wiggins sa pagbira ng 17 points, 3 boards at 2 assists. Bumira naman si Stephen Curry ng 14 points at 9 boards.


Samantala, narito ang kabuuang resulta ng laro ngayong araw sa NBA, January 6, 2022.


Inihaw ng Miami Heat ang Portland TrailBlazers, 115-109. Pinapak naman ng Utah Jazz ang Denver Nuggets, 115-109. Nilambat sabay sibat naman ng Brokklyn Nets ang Indiana Pacers, 129-121. Binalibag naman ng San Antonio Spurs ang Boston Celtics, 99-97. Binistay naman ng Houston Rockets ang Washington Wizards, 114-111.