April 25, 2024

DALLAS MAVERICKS, BINALE ANG LA CLIPPERS, 105-100 SA GAME 5

Nakaresbak ang Dallas Mavericks sa Game 5 NBA playoffs West Series Round 1. Binali ng Mavericks ang Los Angeles Clippers sa iskor na 105-100.

Kung kaya, lamang na sa series ang Dallas sa kartadang 3-2. Humataw si Luka Doncic ng 42 points, 8 boards at 14 assists.

Tumulong naman si Tim Hardaway Jr. sa pag-ambag ng 20 points, 7 boards at 2 assists.

Umarangkada na agad ang Dallas sa first quarter sa pagbuslo ng 7-0 run. Ngunit, bumanat ang Clippers. Mula rito, Naghahabol ang ang LA sa Dallas.

Pero, pagsapit ng third quarter, lumamang ang Mavericks ang double digits. Pero, nalusaw ito pagdating sa fourth.


Gayunman, nakaligtas ang Dallas dahil sa matinding opensa at defensive rebounds.

Samantala, bumuslo naman para sa Clippers si Paul George ng 23 points. Gayundin ng pagkana ng 10 boards, 6 assists at 3 blocks.

Si Kawhi Leonard naman ay tumira ng 20 points, 5 boards, 5 assists at 5 boards.