March 28, 2024

DALLAS MAVERICKS, 2-0 SA SERIES MATAPOS IBALIBAG ANG LA CLIPPERS, 127-121

Muling namayagpag ang Dallas Mavericks sa Los Angeles Clippers sa Game 2 ng Western Conference playoffs series. Binalibag ng Dallas ang Clippers sa iskor na 127-121. Kaya naman, lamang na sa 2-0 sa series ang tropa ni coach Rick Carlisle.

Impresibo ang naging performance ni Luka Doncic para sa Mavericks. Nagtala siya ng 39 points, 7 rebounds at 7 assists.

Kumamada naman si Tim Hardaway  Jr. ng 28 points at 5 assists. Si Kristaps Porzingis naman ay nag-ambag ng 20 points, 4 rebounds, 3 steals at 2 blocks.

Sa panig naman ng Clippers, gumawa si Kawhi Leonard ng 41 points, 5 boards at 3 assists. Kumana naman si Paul George ng  28 points, 12 rebounds at 6 assists.

Ang Game 3 ay gagawin sa Biyernes sa homecourt ng Dallas sa American Airlines Center.