April 25, 2024

Dahil sa pagkakaligtas sa baby, aso sa Cebu City, itinuring na bayani

Dahil sa kanyang ginawa upang mailigtas ang buhay ng isang sanggol, itinuring na bayani ang isang aso sa Cebu City.

Ang stray dog ang naging dahilan upang matagpuan ang sanggol sa dumpsite sa Brgy. Magkagong, Sibongga, Cebu.

Ayon sa ulat ng otoridad, sinadyang abandonahin ang sanggol. Na sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare and Development.

Bandang alas onse ng umaga noong bisperas ng Pasko, sinusundan ng aso si Junrell Fuentes. Nakasajay sa motor ang lalaki at napadaan sa bukiring bahagi ng lugar.”

“Ayon kay Fuentes, parang kinukuha ng aso ang kanyang atensyon. Kaya naman, naisipan nitong sundan ang aso,” ayon sa otoridad.

Dahil dito, nakita ang sanggol na nakabalot sa tuwalyang kulay brown. Anila, kapapanganak pa lang sa sanggol dahil nandoon pa ang umbilical cord nito sa pusod.