April 19, 2024

CONVERGE ICT, PASOK SA PBA MATAPOS BILHIN ANG PRANKISA NG ALASKA SA HALAGANG P100M

Napasakamay na ng Converge ICT ang PBA franchise ng Alaska Alaska Aces sa susunod na season. Ayon sa ulat, inaprubahan ng PBA Board of Governors ang bid ni Dennis Anthony Uy.


Nangangahulugan na tineyk over na ng Converge ang prangkisa ng Alaska. Kasama rin sa deal ang paghablot nito sa players ng Aces. Gayundin ang coaching staff at utility players.


Para makumpleto ang takeover, sinabihan ng PBA ang Converge na magbigay ng P100-million bond. Sa gayun ay magarantiya nito ang membership sa liga sa loob ng 5 taon. Kasama na rin ang P7-million deposit at P7 milyong transfer fee.


Sinabi rin sa ulat na malaon ang gusto ni Uy na makasalang sa PBA. Na siyang ultimate dream ng kanyang uncle na si Johnny Uy. Pumanaw ang kanyang tiyuhin nitong nagdaang taon.


Si Uy ang mag-ari ng Johnny Supermarket na nag-inponsor sa Manila Industrial and Coomercial Athletic Association (MICAA) noon.