April 19, 2024

CONTRACT EXTENSION SA MGA FREE AGENTS HANGGANG DISYEMBRE 31, OK SA PBA

Binigyan ng pamunuan ng PBA ng go-signal ang mga teams, na maaaring nilang i-extend ang kontrata ng mga impending free agents hanggang Disyembre 31.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, bahala na ang mga teams kung sinong mga players ang gusto nilang bigyan ng extension.

 “Swerte yung mga players (na ma-eextend) kasi may PBA man o wala, yung sweldo nila hanggang Dec. 31,” pahayaga ni PBA Comm. Marcial said sa Philippine Sportswriters Association Forum na idinaos sa pamamagitan ng  Zoom video conference.

May ilang players ang mayroong live contracts na hanggang Agosto 31 at ang iba ay nababahala dahil baka maapektuhan ang pandemya ang kanilang pamumuhay kapag di nabigyan ng extension.

Kabilang sa mga nasa listahan ng free agents ay sina San Miguel Beermen Arwind Santos at Alex Cabagnot, Gayundin si  Jeron Teng ng Alaska Aces.

Samantala, kabilang naman ang mga players na mapapaso na ang kontrata ay sina  Carl Bryan Cruz ng Blackwater, Paolo Taha ng NorthPort, John Pinto at Nico Salva ng Meralco at  sina Dave Marcelo at Jake Pascual ng Phoenix Super LPG.