April 20, 2024

CHRIS PAUL, BUMIDA SA PAGTUSTA NG SUNS SA JAZZ

Kuminang si Chris Paul sa 4th quarter at halos nagtapos sa double-double. Tinusta ng Phoenix Suns ang Utah Jazz, 115-109. Bumira sa CP3 ng 27 points, 14 assists at 9 boards. Nag-ambag naman si Devin Booker ng 33 points, 7 b oards at 3 assists.

Kahit wala si Brandon Ingram, binitbit ni Devonte Graham ang New Orleans Pelicans sa isang panalo. Naglista si Graham ng 25 points sa pagluray ng Pelicans sa Indiana Pacers, 117-113. Bumira naman si Josh Hart ng 22 points, 10 boards at 2 assists.

Samantala, nakatakas naman ang Chicago Bulls sa pagsuwag sa Oklahoma City Thunder, 111-110. Tinigpas naman ng Cleveland Cavaliers ang New York Knicks, 95-93.